Thoughts

Gusto ko nito.

11:31:00 PM Pia Thought 0 Comments

Naransan mo na ba maging totoong prinsesa? Ako, oo! Wala man akong tiara, wala man akong mahaba at magarang gown, naramdaman ko naman maging isang prinsesa. Yung ginagawa lahat ng prinsipe ko ang mga bagay na makakapagpasaya sakin, samin. Paborito ko kasi ang bulaklak na sampaguita. Kapag hindi namumulaklak ang sampaguita sa lugar namin, aayain niya ako sa isang lugar na punong-puno ng sampaguita. Sabi kasi niya, makita niya lang akong ngumiti, pakiramdam niya, nasa langit na daw siya. Ang sarap no? Yung mga simpleng bagay na nasasabi niya at nagagawa niya ay sapat na para maging masaya kaming dalawa.

Pero, sa simula lang pala. Hahaha. Nararamdaman kong hindi na ako prinsesa. Pakiramdam ko para bang namatay ang tatay niya siya na ang hari. At ako na ang alipin niya. Marahil ako din ang nagkaproblema. Kapag mahal ko kasi ang isang tao minsan nakakalimutan ko na ang sarili ko. Kasi nga, mahal na mahal ko. Ayun tuloy, ang prinsipe ko, nasanay na ginagawa ko lahat ng gusto niya. At dahil nasanay siya, lumaki ulo niya at alam niya na kapag iniwan niya ako at sinaktan, babalik at babalik pa din ako sa kanya. Paulit-ulit na nangyayari ito sa lahat ng mga nakarelasyon ko. Marahil nga ay kabaliwan na ito kapag naulit pa.

Pero naniniwala akong dadating ang lalaking para sakin na tatatruhin akong prinsesa na hindi puro sa simula lamang kundi habangbuhay. Yung yayakapin pa din ako kahit uugod-ugod na kami, yung hahalikan pa din kahit kulubot na ang aming mga labi. Gusto ko nito.

April 30, 2013
 


You Might Also Like

0 comments: