Thoughts

Gusto mo ba na hinahabol ka?

11:33:00 PM Pia Thought 0 Comments

Noong isang araw ko pa gustong magsulat kaso hindi ko alam kung saan at paano magsisimula.

Kaso kanina may nabasa ako tungkol sa salitang ‘Habol’. Marahil ang tao, gustong sinusuyo.. hinahabol.. Pero ang hindi maramdaman at maintindihan ng mga taong hinahabol ay yung sakit ng paulit-ulit na pag-apak sa pride ng nanunuyo. Yung tipong tatawagan ka pero hindi mo sinasagot? Tinitext mo tapos di nagrereply? Sobrang busy ba kaya hindi makapag reply? Alam niyo, hinding-hindi ako naniniwala sa dahilan ng isang partner na busy masayado para hindi magparamdam. 'Wag na, iwanan mo na. Tama na ang pangangapak mo sa sarili mo. Kung hindi ka niya maappreciate sa lahat ng ginagawa mo, tama na. Mahalain mo naman ang sarili mo, magpaganda ka, magpagupit ka. Alagaan mo ang sarili mo, isipin mo ang mga pangarap mo, ang pamilya mo.. Tama na ang pag-iisipin sa kanya 24/7! Samantalang siya, ayun, busy nga. Busy sa kakalaro, kakadota, sa tsismisan nilang magkakaibigan at kung anu-ano pa. Tandaan, pumasok kayo sa isang relasyon para maging masaya at para sa salitang forever. Kung hindi naman kaya ng isa na makipagsabayan ay tama na. Masyadong masakit na.

At lalo na kapag ikaw ang babae? Mga babae kasi, napaka-vulnerable niyan. Kung mahal ka talga ng lalaki, hindi yan papayag na nasasaktan ka, na naghihintay ka sa wala at nababalewala ka. Kaya, tama na.

April 29, 2013

You Might Also Like

0 comments: