Poems

Litong Pag-Ibig

11:53:00 PM Pia Thought 0 Comments

March 8, 2013


Pag-ibig, ikaw ba talaga ito?

‘Yung kumatok sa puso kong lito?

'Yung nagbigay ng bulaklak galing sa kasama mo?

'Yung tumatawag sa luma kong telepono?



Pag-ibig, ako ba talaga ito?

'Tong nagbubuklat ng diary ko?

'Tong nagsusulat ng pangalan mo?

'Tong nagpupuno ng kwaderno ko ng kung anu-ano para sayo?



Pag-ibig, bakit ikaw pa kaya?

'Yung sumungkit ng bituin at buwan para sakin?

'Yung tumalon sa balon para kunin ang mahiwagang singsing?

'Yung gumuhit ng pangalan ko sa buhangin?



Pag-ibig, kung totoo na ito,

Sana patunayan mo,

O di kaya'y sabihin mo,

Kasi ang puso ko, hindi manhid gaya mo.

You Might Also Like

0 comments: